Kalayaan?
Noong mayo 2023, nasa hapag kainan kami at tinanong ako ng aking mga magulang kung pursigido na ba ko maging isang pulis, bata palang ako ay pangarap ko na maging isang pulis dahil ako ay namangha sa aking ama dahil siya ay isang pulis, ngunit isang araw nakaramdam ako ng pagbabago sa aking gusto. Ako ay na pepressure dahil hindi ako ready pumili ng magiging strand ko sa senior high school, dito ko naramdaman na nag bago na ang aking gusto, gusto ko na maging isang medtech, ngunit hindi aayon ang aking ama dahil gusto niyang maging isa akong PNPA, gusto niyang mag exam ako ng entrance exam sa PNPA pag ka graduate ko ng high-school ngunit ayaw ko dahil hindi para sa akin ang kursong ito, gusto kong ituloy ang pinili kong maging medtech. Sana pumayag siya sa gusto kong kursong kunin. Kalian kaya ako makakalaya sa gantong sitwasyon na ito?
Ano nga ba ang kalayaan? Kailan ko nga ba ito matatamasa? Hindi maiiwasan ang mga pangarap ng mga magulang para sa kanilang anak. Subalit, minsan ay tila ba ito'y nagiging mista ng paglalakbay na nagdadala sa pagkawala ng sariling desisyon at pangarap ng kabataan. Bata pa lamang ako ay nandito na ko sa sitwasyon na ito kung saan hindi ko napipili ang tunay kong desisyon. Sa ganitong sitwasyon ramdam kong ako'y walang boses upang mag bigay ng aking saloobin, natitiyak ko na sa oras na ako'y hindi umayon sa kanilang nais, mali agad ako. Alam kong sila ay nag mamagandang loob lang ngunit sa kanilang pamamaraan ng pag tulong na hahadlangan ang tunay kong gusto. Sa mundong ito hindi lahat ng inaakala nating mapapabuti sa isang tao ay totoo, kailan kaya ako mag kakaroon ng boses at kailan kaya mag titiwala sa akin ang aking mga magulang? na sa ganitong bagay ako naman, ako ang kikilos at ako ang mag dedesisyon. Sa ganitong sitwasyon dito ako nawawalan ng kalayaan, dahil ako'y kontrolado. Kabutihan ko ang nais nila ngunit hindi iyon ang mag bibigay ng kapayapaan, kasiyahan at kalayaan sa aking puso't isipan.
Sa kabila ng ganitong pagsubok, ang pakiramdam ng pag kawala ng kalayaan ng isang kabataan, ay hindi dapat ituring na katapusan na, na talo ka. Ang katapangan na ipahayag ang iyong sariling nais at pangarap sa kabila ng mga bagay na pumipigil sayo, isa lamang itong aksyon, upang makuha ang tunay na kalayaan, dahil sa pagkamit nito, mas nag kakaroon ang mga kabataang nakaranas ng ganitong sitwasyon, ng mas masaya, may pag asa at kapayapaan ng isipan at mas masiglang paglalakbay tungo sa hinaharap.
Napaka husay!!
ReplyDeleteNapakahusay, maraming mapupulot na aral ang karamihan rito!
ReplyDeleteNapaka husay binibini!
ReplyDeleteNapaka husay ng iyong blog binibini! Tiyak na ito’y kapupulutan ng aral ng iba pang mga kabataan.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNapakahusay binibini 🥹🥹
ReplyDeleteMahusay Binibini!
ReplyDeletenapakahusay binibini tiyak na maraming matutunan/mapupulot na araw rito!!
ReplyDeleteMahusay Binibini!!
ReplyDeletenapaka husay binibini! napaka gling mong mag bahagi at mag sulat!
ReplyDeletenapakagaling at napakahusay binibini!! 💞
ReplyDeleteAng iyong paglalakbay ng determinasyon at tapang sa paghahangad ng sariling pangarap ay nakakainspire. Pinapakita mo ang kahalagahan ng kalayaan sa pagpili ng sariling landas. Saludo ako sa iyong pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok.
ReplyDeleteNapaka husay! Ito ay mag bibigay aral sa lahat
ReplyDeleteSumasang-ayon ako sa iyong pahayag. Ang pagtahak sa landas ng pangarap ay tila paglalakbay sa sariling kalayaan. Kahit may mga hindi sang-ayon sa ating mga kagustuhan, ang pagpili ng sariling daan ay isang matapang na hakbang sa paglalaban para sa ating kalayaan. Dito, tinutuklas natin ang lakas ng sariling boses at sinisigaw ng damdamin, nagiging inspirasyon ito upang mapanatili ang pagpapahayag ng sarili at paglaban sa anumang pagbabawal. Ang pag-abot ng pangarap, kasama ang pagtatanggol sa ating kalayaan, ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa iba na gawin rin ang kanilang sariling paglalakbay tungo sa tagumpay.
ReplyDeleteNapakahusay nang pagbabalangkas ng iyong nga ideya. Dagdag pa rito, na relate ako doon sa part na parang naprpressure ka kasi parang nagiba na yung nakagisnan mong pangarap. I live how authentic ng iyong sanysay, and I commend you for that! Always remember thst you have the most autonomy(right) to your OWN decisions, but with respect the suggestion of your guardians. Love lots! 🫶🏻🫶🏻
ReplyDeleteMahusay binibini
ReplyDeleteMahusay, Binibini! Sumangayon ako sa iyong mga sinabi!
ReplyDeleteTama ka binibini! Napaka ganda ng iyong pahayag, ako rin ay nasa parehong sitwasyon kung saan ako'y hindi maaring pumili para sa aking sarili. Para maabot natin ang magandang kinabukasan, kinakailangan muna nating maging malaya kung kaya't pinapangarap ko na balang araw, lahat tayo ay magkakaron ng lakas ng loob at magkaroon ng malayang pagpili
ReplyDeleteNapaka ganda ng iyong binahagi, ito ay talagang nag bibigay ng inspirasyon sa mga kabataan, sana ito ay basahin at bigyan nila ng pansin
ReplyDeleteMahusay binibini! tiyak na maraming makakaugnay at maraming matutunan na aral ang mga kabataan sa iyong sanaysay
ReplyDeleteMagaling, matapos kong mabasa ang iyong blog, masasabi ko na parehas tayo ng sitwasyong naranasan. Sa kabila nito, nararapat na tayo'y manatiling positibo sapagkat sa bandang huli, ang pagtanggap sa ating sarili ay ang siyang susi upang maging malaya.
ReplyDelete